Sa Mga Nakapanood Na ng Heneral Luna: Napansin niyo ba?

Magtatrabaho na sana ako, kaya lang hindi ko na kayang patagalin pang hindi isulat lahat ng nakuha ko mula sa pinakabagong pelikula, ang Heneral Luna ni Jerrold Tarog. Sa mga nakapanood na, malamang alam niyo ang pakiramdam. Sana pareho tayo ng nararamdaman.

Una sa lahat – ANG GALING! Hindi ako isang batikang kritiko o magaling na manunulat ng mga “film reviews”. hindi rin ako magaling sa mga teknikal na aspeto sa larangan ng pelikula at mga palabas. Pero sa kabila ng husay ng mga aktor, sa galing ng direktor sa pag-aayos ng bawat eksena, at sa galing ng manunulat sa bawat salitang binitiwan, iiwan ko na iyon sa mga kritiko. Gusto ko sanang itanong sa inyo kung napansin niyo rin ang napansin ko.

Bukod sa katapangan at kabayanihan ni Heneral Luna, alam kong napansin niyo rin ang kabaluktutan ng pulitika natin noon pa man. Siguro may ilan sa inyo na nagsabing, “Matagal na pala tayong ganito?” o kaya naman, “Kaya pala ganito gobyerno natin ngayon eh!”. May namumunong walang sariling desisyon, may mga maimpluwensyang kapitalista, may mga walang ginagawa, at may mga umiiyak na kinakawawa daw sila (kaya pala pamilyar yung mga sinabi ni Buencamino sa huling bahagi ng pelikula, may kaparehas na patalastas. Hulaan niyo:).

Pero napansin niyo ba si Joven Hernando (Arron Villaflor)? Isa siya sa mga ginawang tauhan sa kwento, parang tagapagsalaysay. Hindi ko alam kung napansin niyo ang bigat at laki ng karakter niya sa kwento.

Sa gitna ng pelikula kung saan nabaril si Joven sa kamay at tenga, at matapos makita ang reaksyon ni Heneral Luna, napatanong ako kung bakit ganoon na lang kahalaga sa kanya na maprotektahan ang batang ito. Mayroon pang solong kuha si Joven nang itinataas siya ng mga mediko. Bukod dito, sa huling bahagi ng pelikula ay pinakitang binibigkas ng heneral ang tulang isinulat niya, at sa huli ay makikitang si Joven na ang nagbibigkas nito.

Kung napansin niyo ang napansin ko, ito ang pinakamakapangyarihang bahagi ng pelikula.

Baka hindi naman talaga sinasadya ng manunulat, pero sa tingin ko, ang karakter ni Joven ay kumakatawan sa bagong henerasyon. Ang bagong henerasyon na kailangang pangalagaan at protektahan. Ang bagong henerasyon na kailangang makinig at umaksyon. Ang bagong henerasyon ng mga Pilipino na nangangailangang matutunanΒ ang kasaysayan upang malaman kung ano ang totoo at dapat ipaglaban.

Marami ang nalulungkot sa kabaluktutan ng sistema at pag-iisip ng mga namumuno noon. Mabigat sa puso ang isipin na trinatraydor ng Pilipino ang kapwa Pilipino. Mahirap hanapan ng solusyon, maging ang pinakamagaling na heneral ay muntik nang sumuko. Mas madaling sumuko. Pero sana napansin niyo rin ang isa pang bagay.

Ang pag-asa.

Sa kabila ng kadilimang bumabalot sa kwento, ipinakita sa huli na si Joven ang nagtapos ng tula ng heneral. Nakita niya ang layunin ng bayani. Higit sa lahat, makikita mo sa kanyang mga mata at maririnig sa kanyang pananalita ang isang malakas na determinasyong ipagpatuloy ang misyon ng mga nauna sa kanya.

O baka sa akin lang iyon. Pero sana, makuha niyo rin. Sana makita natin na tayo ang bagong henerasyon, at ang pelikulang ito ay isang paraan lang upang malaman natin ang kasaysayan na nagbubuklod sa ating lahat. Kailangan tayo ngayon, mga bagong Pilipino. At hindi lang sa digmaan maipaglalaban ang bayan.

(Sumasang-ayon ka ba sa interpretasyon ng manunulat? Ano ang masasabi mo sa pelikulang ito? Mag-iwan ka ng kumento! Salamat sa pagbabasa:)

Advertisements

248 thoughts on “Sa Mga Nakapanood Na ng Heneral Luna: Napansin niyo ba?

      1. knowledgeable and Informative..Kapupulutan ng Aral at Karanasan mula sa Ating Kasaysayan.Na pwedeng gamitin sa kasalkuyan Lipunan Ating gingalawan.

        Liked by 1 person

      2. Tama ang iyong mga kataga ukol sa mga kabataan ngayon, kaso, hindi kaya ang mga kabataan ngayon ay ” may isip at salita ngunit kulang sa gawa”? Kung kailangan natin ng pagbabago, eto ay dapat ikilos at isagawa sa laong madaling panahon. Kasi, kung hindi laong iiral ang pagkatraydor ng mga pulitikong iniluloklok natin.

        Liked by 1 person

    1. tama at napakaganda ng iyong reaksyon, may nais lang akong idagdag sa isang eksena na kung saan ang kabinete ay nag dedebate patungkol sa pagpasok ng amerikano sa ating bansa,,,, sinabi ni gen. antonio luna na “tayo ay may mga kalaban na higit pa sa mga amerikano at yun ay ang ating mga sarili…mahigit isang daan taon na ang lumipas ay parang walang nabago, naging bahagi na ng ating kultura ang ating pagiging maka – amerikano…

      Liked by 2 people

    2. A wake up call for the youth….learn from the lessons of the past. History is a guide for us to design the future…no turning back its moving on for greatness. I am disappointed many times when I see the youth no longer interested about our history…for them it’s a none sense thing that’s I why will not be surprise if in the next years to come no significant changes will occur because we as a people do not work to recreate our history.

      Liked by 1 person

    3. “Maypag-asa” ang taguri na ginamit ni Andres Bonifacio sa Katipunan. “Dimasalang” ang taguri ni Jose Rizal sa La Solidaridad .”Taga-ilog” naman ang taguri ni Heneral Antonio Luna sa itinatag niyang La Independencia. Ang Pilipinong May Taguri ang tunay na samahan na magbubuklod sa Pag-asa, Pagkakaisa’t at Kasarinlan na isinulong ng ating mga bayani. Mabuhay ang Pilipinas.
      Sidhaybahaghari@gmail.com

      Liked by 1 person

  1. Joven is a Spanish word for “youth”, so I think every bit of what you noticed was on purpose. It’s good to see people understand symbolism and allegories, because I’m pretty sure a lot of people just watched the movie just for the sake of watching it; for the sake of being cool. What you noticed is really important.
    Also, Joven is a writer. That’s why there was emphasis when his RIGHT hand was shot by the Americans. It’s his writing hand. It can tell us that foreigners have this way of preventing us from expressing what should be expressed (in Joven’s case, everything that Antonio Luna told him).
    πŸ™‚

    Liked by 3 people

    1. Well in addition to that. If you remember there is also a shot near his ears symbolizing for the power of the foreigner have their way of preventing us from hearing what should be really heard. Both of it is an allegory of the film. πŸ™‚

      Liked by 1 person

  2. Ang galing! Habang nanunuod ako ng movie, yun din yung naisip ko. Nung nabaril si Joven, sobrang nag-alala si Luna sa kanya, tapos yung huling part na binibigkas ni Joven yung mga sinabi sa kanya ni Luna nung una. Sobrang ganda lang ng palabas na ‘to. Sana yung mga susunod na historical films ay maging kasing ganda ng Heneral Luna. Sa totoo lang, hindi ako sumusoporta ng local mainstreams films, pero kung ganito na may kabuluhan.. papanuorin ko talaga!

    Aye | http://ayelaniton.com

    Liked by 1 person

  3. Ganito ba talaga ang mga namumuno sa ating bansa mula koon pa, na ang prioridad ay isulong ang pansariling interes bago ang kapakanan ng nakararami? Greed and thirst for power..noon pa man ay sakit na pala ito ng mga naunang namuno. Nakakalungkot isipin na nabibilang lang ang totoong may magandang saloobin sa ating mga politicians ngayon, mula sa lower level pataas. Karamihan ay ginagawang negosyo ang kanilang elected position. Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang may tunay na magandang intension para sa bansa at nagsakripisyo ng pansariling kaligayahan, karangyaan at magandang kunabukasan ay siya pang namatay sa kamay ng kapwa Filipino. Kailangan nating ng pagbabago.

    Liked by 1 person

    1. Mula sa sinasabi nilang ‘unang republika’ ng Pilipinas ganyan na. Bago naluklok si Emilio Aguinaldo sa posisyon nagawa nilang dayain at ipapatay si Bonifacio para siya ang maging Unang Presidente ng Republika na sinuportahan ng mga Elitista. Ika nga ‘History Repeats itself’, kapag may namumuno na kakampi ng mga mahihirap at inuuna ang kapakanan ng nakararami pinapatay at pinapaalis sa panunungkulan. SINISIRA. At ang mga pinuno na sunod sunuran sa mga elitista at inuuna ang pangsariling kapakanan? Nanatili sa posisyon upang lalong magpayaman.

      Liked by 1 person

  4. Hi. Opo tama pO ang inyong napansin. Noong nsa loob p run kmi ng sinehan, napagtanto na rin po namin na so Joven, isang estudynte at manunulat sa pelikula, ay sumisimbolo sa mga estudyante ng ating henerasyon. Ang mga mag-aaral ang magtutuloy ng rebolusyon ng pagkapilipino para sa pagbabago ng siste! πŸ™‚

    Liked by 1 person

    1. Hi mam! I don’t know if they’re already releasing an online version for purchase. But i think they’re entering it in an international competition, so hopefully you’d be able to watch it in cinemas πŸ™‚ le
      t’s support pinoy movies by not supporting piracy πŸ™‚

      Like

  5. Malungkot man sabihin pero ang nangyayari ngayon ay walang pinagbago sa mga nangyari noon. Tawagin na nating “human nature” or “self preservation”, gagawin ng isang tao ang lahat at kahit sa anumang paraan para buhayin ang kanyang sarili. Ito ang kasabihang, “Tiyan muna bago bayan”.

    Liked by 1 person

  6. Leadership starts within ourselves, kung hindi natin kayang pamunuan at disiplinahin ang sarili natin, hindi natin magagampanan ang isang lider sa ating bayan πŸ™‚ sinasabi sa pelikula na ito na sarili natin mismo ang kailangan nating disiplinahin para mapaunlad natin ang ating bayan, kung ang bawat pilipino ay kayang pamunuan at disiplinahin ang sarili. hindi na natin kailangan humingi ng tulong sa mga dayuhan upang mapaunlad ang ating bayan.. pinapakita din sa pelikula na nagbabago man ang anyo at lugar ng pilipinas ito’y nakakulong pa rin sa katiwalian at kurapsyon na pilipino mismo ang nagtataksil at nagnanakaw sa kanyang sariling bayan at kapwa pilipino πŸ™‚
    ‘The end justifies the means’ – ano mang pamamaraan ng lider sa pamumuno sa kanyang bayan, makikita mo kung maganda ba ang hangarin nito sa kanyang nasasakupan. Mayabang at strikto man si heneral luna makikita pa rin natin ang kanyang hangaring maganda sa ating bayan πŸ™‚

    Liked by 1 person

  7. Great observation and Well said! You got the whole essence of the Movie, that is why the movie is timely released. Since election is coming to a near, this will have an impact on how people will decide and wisely vote for the right leader.

    Liked by 1 person

  8. nakakatuwang isipin na ang mga simbolikong pagganap ay nabibigyang pansin ng mga tunay na nanood at nakaunawa. sana lahat ng mga nanood ay naunawaan ang kahalagahan ng pelikulang ito at ang sinisimbolo nito, gaya ng pagkaunawa mo at ng iba pa. mahusay! πŸ™‚

    Liked by 1 person

      1. We also liked the film. In fact my daughter watched it 3x! It feels good to see historical movies not only with lots of information but also humor.. hindi nakakaantok pero may lalim.. you know. We also had the same observations, Hen. Luna’s words and actions.. Joven’s symbolism and even Pres. Aguinaldo’s silence. Kudos to the entire cast.. we’re glad that hindi lang nakikilala ng mas higit ang mga bayani natin, naipapahayag pa yung mga bagay na hindi naitala sa kasaysayan, interactively- hindi lang sa mga makasaysayang Postcards! Hoping for more movies of this kind. Congrats, good job!

        Liked by 1 person

  9. Ako ay lubusang sumasangayon. Ako ay kapanalig mo sa iyong mga nabigyang diin ukol sa pelikula. Isang normal ng bagay nuon pa ang personal na interes ng mga pulitiko sa Gobyerno. Kung ikukumpara sila sa ibang lingkod bayan gaya ng mga sundalo, ang kanilang hangarin lamang ay maituturig na pansarili. May naghain na ba ng batas ukol sa isang matinding parusa para sa mga tiwaling pulitiko? Halimbawa: Ang normal na taong gumawa ng isang krimen ay napapatawan ng kung ano ang nasasaad sa batas. Kapantay ng parusang ito ang mga mambabatas na nakulong dahil sa pag gawa ng parehong krimen. Pero hindi ba dapat ay doble ang parusa sapagkat sila ay pinagtiwalaan ng bayan o yung tinatawag na “trust and confidence”. Sa pag labag nito, hindi lang batas ang nilabag ng pulitiko kundi ang tiwala at pag-asa ng mga mamayan. Kaya higit sa lahat, mas malaki ang dapat na parusa sa mga tiwaling pulitiko. Pero ni isa sa kanila ay walang nagmungkahi nito dahil alam nilang makakakasama sa kanila ito lalo pa’t sila’y tunay na tiwali. Sinasabi nilang sila ay makabayan at may awa o pakialam sa mga maliliit pero sila itong mga nasa likod ng mga naglalakihang kongkretong pader at mga mansyon. Ni hindi mo nakitang naglakad sa kalsada upang tanungin man lang ang mga kababayan natin sa kanilang kalagayan. Silang hindi man lang iginiit ang ating karapatan sa soberenya ng ating karapatan sa mga islang inaangkin ng mga dayuhan dahil gusto nilang makinabang pa. Silang tumutuligsa sa mga proseso ng pakikipagbaka sa digmaan samantalang hindi man lang nila naranasan ang mabilad sa araw ng Mindanao. Mas mabuti pang mapasailalalim sa isang Heneral na gaya ni Luna, na mayabang, mainitin ang ulo at sabihin nating masama ang pag-uugali kung ang lahat naman ng aspetong ito ay ginawa o ginagawa niya para sa ikabubuti ng buong sambayanan na walang pansariling interes kaysa sa mga pulitikong palaging nakangiti, nakikikain at nagkakamay pa sa pag kain, nag sasabi ng matatamis na salita at husto ang pustura sa pagbihis ngunit sa likod ng lahat ng ito ay parang mga buwitre na kinakain ang pag-asa ng bayan at kinakamal ang yaman ng bansa upang punan ang mga malalaki nilang tiyan ng walang katapusang kasakiman. Kailangan na nating gumising sa matagal na pagkakahimbing at kumilos, gumawa kaysa manatili sa isang panghabang buhay na panaginip at humantong na lang sa isang walang kabuluhang kamatayan.

    Liked by 1 person

  10. sang ayon ako sa iyong pananaw na may kabulukan na ang sistemang politikal ng bayan noon pa man…ito ang maling impluwensiya sa atin ng mga pari noon…pinagbuklod buklod tayo..ng kanilang doktrina…kaya kahit ngayon…tagalog, bisaya ; ilokano. katoliko iglesia atbp.hind i magkasundo…at karagdagan pa…na kaya nabuko ng mga prayle ang katipunan dahil sa isinumbong ng isang kapatid na babae ang samahan sa mga pari. noon pa man uso na ang mga traydor.

    Liked by 1 person

  11. You have a very sound set of observations. Sinadya nga talaga yun ng writer, matalino ka lang talaga at marami tayo. Sinadyang Joven ang ipangalan sa kanya kasi, needless to say, it means youth in Spanish. Truly, Joven is quintessentially the allegory of our youth today. Very good writing here, pal. I’m pretty sure marami kang napukaw na isip dito.

    Liked by 1 person

  12. mahusay ang iyong namasid. napapanahon talaga ang pelikulang ito. Matapos kung panoorin ito, iba’t ibang damdamin ang nagising – ang paghanga sa isang heneral na may buong determinasyon na ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas, ang kalungkutan na ang sariling kababayan ang syang papatay sa iyo, paggalang sa ilang mga sumunod sa yapak ng heneral na nakuha ang kanyang layunin at di sumuko, ang maging masaya dahil buhay ang pag-asa. May ilan pang mga Pilipino ang tapat sa ating bansa at hindi ibebenta ang kanyang kalayaan upang guminhawa lamang ang buhay niya.

    Salamat sa iyong komentaryo. Totoo si Joven ang tumatayo bilang bagong henerasyon upang ipahayag na buhayin ang pagkamakabayan sa bawat isa sa atin.

    Liked by 1 person

  13. Yes! You are definitely right! Si Joven talaga ay sadyang ipinasok ang kanya karakter sa palabas na ito bukod sa taga-salaysay siya ay ginawang symbolo ng makabagong henerasyon o ng kabataan na ika nga ni Rizal ay pag-asa ng bayan. Maraming salamat at ito ay iyong napansin kapatid magaling magaling! Sana ay marami makabasa nito para mas lalo umaalab ang kanilang pusong makabayan lalo na ang mga kabataan na nakapanood din nito. Mabuhay ka kapatid!

    Liked by 1 person

  14. For sure the scriptwriters would love to read this analysis of yours only few people mentions about Joven’s character in the movie – some doesn’t have any idea what is the purpose of his character there beside being the narrator of the story. They actually intended to make him symbolizes our youth – Joven means Youth in Spanish.

    Liked by 1 person

  15. I think sinasadya ang symbolismo ni Joven. Sa pangalan pa lamang, espanol ito na ang ibig sabihin ay “youth”. Pero tama ka. Hindi ko man napansin sa umpisa ngunit tama ka

    Liked by 1 person

  16. si joven ang sumasalim sa makabagong henirasyon..si joven ang naging mata,bibig,at tenga sa pelikula..upang maiparating sa atin ang tunay imahe ng kasaysayan ng ating bayan nung mga panahon sinakop tayo ng mga amerikano…ang sakit lang isipin na noon pama’y kalaban natin ang mga dayuhan at kalaban din natin ang ating mga kapwa pilipino..at kung anu man ngayon ang tinatahak na landas ng Pilipinas marahil ito ang dulot ng pagiging gahaman sa kapangyarihan at mala hudas na ugaling kinagisnan natin,at patuloy na dumadaloy sa atin mga ugat..dugo na nagmistulang lason na sa ating katawan..at sa ating Lipunang ginagalawan…nakakasuklam!

    Liked by 1 person

  17. yan din ang pagkaka intndi ko ng napanuod ko ang heneral luna, nasabi ko sa sarili ko at mga kasama ko, na nuon paman bulok na ang naging sistema ng pulitika at ang tunay na kupal ay yung mga negosyante o namumuhunan. nag alala ng husto si heneral luna ng mabaril si joven, dahil sabi nga ni rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan kaya hindi sya pwedeng mamatay o mawala nalang, tinamaan si joven sa tenga at sa kanang kamay, marahil para hindi nya magamit ang kanang kamay sa pag susulat dahil isa etong paraan para mamulat ang isipan ng makaka basa neto, sa tenga naman, para mag bingi bingihan ang mga kabataan sa totoong ng yayari sa lipunan.

    Liked by 1 person

  18. I totally agree! This part is the growing up process of the young generation. That is why history is not only the past but also the present and the future. History tends to repeat itself. We should learn from our past to build a better tomorrow.

    Liked by 1 person

    1. Okay lang naman po, as long as hinfi tayo magpplagiarize πŸ™‚ reflection paper ba yan? Just a tip: you can get inspiration from anywhere, but make sure you supplement it with your opinion din πŸ™‚ good luck! πŸ™‚

      Like

  19. Sang-ayon aq maganda ang pelikula ..

    Favorite part ko yun sinabi nya yun tatlong kalaban!!!
    Una .–. Yun kalaban talgah yun …kalaban mo sa ano mang kompetisyon!!
    Pangalawa .–. kalaban mo ang sariling kababayan mo o kakampi mo ..( nagdadalawang isip sa kakayahan mo dahil wala silang tiwala sa iyo na imbest tulungan ka ay ila-lagkapa!!!)
    Pangatlo –SARILI ( Ikaw mismo nagpapadala ka sa sinasabi nang UNA AT PANGALAWANG kalaban !!!)

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s